Friday, September 4, 2009

ISANG CASE NG BEER

Isang biyernes ng gabi, mga barkaday nagkayayaan, inuman daw. Sumama naman ako kasi masaya ako pag kasama ko mga ka-office mates ko. Nang kamiy nasa bahay na ng kasama kanya kanya na ang lahat, may sumayaw, may kumanta at siyempre hindi maiaalis ang chibugan..:)

Pagkatapos na kainan lahat ay naghanda na para sa inuman. Nung akoy bata pa, tinatanong ko sa sarili ko bakit gustong iniinum ng mga binata, babae, lalake, matanda man o kahit sino ang alak na ito, samantalang napakapait naman nito.

Ngayon ko napagwari sa sarili ko na masarap pala ito lalo na kung ang mga kasamay nagkakasiyahan lahat. Oo mapait ito, di bale na ang pait kung ang maidudulot naman nito ay panandaliang pagkalimot sa mundong madamot. Pag minsan naiisip ko na sana di nalang ako magising sanhi ng matinding alkohol na ito, upang tuluyang malasap ang pagiging malaya…malaya sa mundo ng katotohanan.

SALAMAT SA ISANG CASE NA BEER

No comments: